AWESOMENESS in the HOUSE!

the era of awesomeness has begun.

Assignment in Filipino



Nandito na ako. Kaka-check in ko lang. Dalawang oras pa bago dumating ang eroplano. Palagi nalang akong maaga. Ang sinasabi ko nalang sa sarili ko, mas mabuti nang maaga kesa di ka makasama. Simula nung grumaduate ako ng high school, ito ang pangunaing prinsipyo ko. Siyempre, kung ikaw ba naman ang mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas e ayaw mong mapahiya.

Noong unang araw ko doon sa UP ay wala akong imik. Sinabi ko na magsisimula ako ng bagong buhay sa kolehiyo, pero hindi talaga ako makapagsalita sa klase. Pakiramdam ko isa lang akong alikabok na parating bumabalik sa klaseng iyon. Hindi ko ba alam kung bakit nang sumunod na araw ay tumabi sa akin si Spencer.

Kaklase ko si Spencer sa math classes ko, pero Commercial Arts ang kurso niya. Biro niya, gusto niya raw mag-artista. Panibhasa Australyano kaya madali siyang matatanggap kung sakali. Sabi niya pa, pareho kami pagtatrabahuhan, dahil ECE ang kurso ko at pwede akong magtrabaho sa mga TV network.

Hindi man talaga nangyari yun nang magtapos kami, matagal kaming nagsama. Mga lampas anim na taon din yun. Kaya inisip ko na maiintindihan niya ang desisyon kong tanggapin ang alok ng isang kompanya sa United States isang buwan na ang nakalipas. Hindi ko ba alam kung bakit ganun kagrabe ang pagtutol niya sa desisyon kong iyon. Pero hindi ko binago ang isip ko. Ganun din siya. Hanggang sa hindi na ako nakatanggap ng tawag o text o FB message man lang galing sa kanya isang linggo na ang nakalipas. Bahala siya sa buhay niya.

Sampung minuto nalang, boarding time na. Pinagmasdan kong mabuti ang buong NAIA Terminal 3. Ang daming alaalang bumabalik sa akin - ang huli kong taon sa high school, ang buhay ko sa UP, buhay pagkatapos ng UP, at Spencer.

July 22 na. 7th anniversary sana namin ngayon. . . .

Nagsalita na yung isang stewardess. Binubuksan na yung gate papunta sa eroplano. Kinuha ko ang aking maleta at naglakad papunta sa gate.

"Deniseeeeeeeee!"

Lumingon ako. Kilala ko yung boses na iyon. ero hindi ko siya makita sa terminal. Guni-guni ko lang siguro.

"Denise!" may sumigaw nanaman, pero ngayon hinihingal na.

Tumigil ako. Baka kasi imahinasyon ko lang itong naririnig ko, wala naman pala siya. Pero dahil may konti pa ring parte sa puso ko na pilit umaasa, lumingon ako sa huling pagkakataon.

Nakaluhod si Spencer sa likod ko, may hawak-hawak na nakabukas na maliit na kahon at nakatingin sa aking mga mata, at sinabing:

"Denise, will you marry me?"



(c) Denise S.

Labels: , ,



Thursday, July 21, 2011

4:07 AM

Profile

This picture isn't mine. Credits to the owner :) I like it so I'm keeping it. HAHA.

My name is Denise Soriano. IV-Chofu, ESC Committee Head on Discipline, Managing Editor (Administrative) of Echoes, YES member and PSYSC affiliate. Weeeee!

You alone should define who you are. Don't let anyone tell you who you should be or what you should do when you what's best for you.

That's about it, I guess. for now. :)

Credits

Where to find me. :)

Facebook Twitter Tumblr YouTube

I know, I know, I am a socio-freak. :))



jquery help: inspiration and bg transparency layout design: hosted by blogger
--- DENISE =) ---